CHAPTER 19 : THE WOMAN HE DESIRED
CALISTA'S POV
At habang nakaupo ako roon, iisa lang ang malinaw sa isip ko--
Kailangan ko siyang alisin.
Wala na akong pakialam kung paano.
Hindi na mahalaga kung anong paraan ang kailangan kong tahakin.
Basta’t malinaw ang isang bagay:
hindi siya puwedeng maging sagabal.
Hindi si Raven.
Hindi ngayon.
May misyon ako.
At wala nang mas hihigit pa roon--
hindi ang konsensya,
hindi ang takot,
hindi kahit ang lalaking kayang guluhin ang balanse ko sa isang tingin lang.
Ang paghihiganti ko ang prioridad.
Ang pagbawi sa lahat ng inagaw sa amin ang tunay na dahilan ng bawat galaw ko.
At kung may kailangang mawala para maisakatuparan iyon--
Hindi ako magdadalawang-isip.
---
Lumipas ang halos sampung minuto.
Biglang bumukas ang pinto.
Lumabas ang doktor--kasunod si Raven.
“Ms… Mrs. Vergara,” tawag ng doktor sa’kin, halatang nag-aalangan pa rin sa kung paano niya ako dapat tawagin.
Tumayo ako agad, walang pag-aalinlangan.
Hindi ko pinansin ang bahagyang tawa ni Raven sa likuran ng doktor--yung klaseng tawang alam kong sinasadya, parang inaasar lang ako.
“Kumusta na ang anak ko, Doc?” tanong ko, maayos ang tono pero matalim ang mata.
“Is there anything that we should be concerned about?”
Naglinis ng lalamunan ang doktor.
“Uh--nothing serious, Mrs. Vergara,” sagot niya. “But… I don’t think ahas ang nakagat sa labi ng anak ninyo.”
Napakunot ang noo ko.
“What do you mean?” tanong ko, kunwari.
Sandaling nag-atubili ang doktor bago muling nagsalita.
“There’s a high possibility,” mariin niyang sabi, “that the wound was caused by a human bite.”
“Oh?” bahagya kong itinaas ang isang kilay.
“Human bite.”
Tumango ang doktor.
“Yes, Mrs. Vergara. Hindi kaya may kasintahan ang anak ninyo at ayaw lang aminin? Because if we base it on the location of the bite…” saglit siyang tumigil, parang nag-iingat sa bawat salita, “…iyon po ang pinaka-malamang na dahilan.”
Sa gilid ng paningin ko, nakita ko ang bahagyang pagngisi ni Raven.
Mabagal. Mapanghamon.
Parang sinasadya niyang ipaalala na alam niya kung sino ang tinutukoy.
Hindi ako natinag.
“If he has a girlfriend,” malamig kong sagot, diretso ang tingin sa doktor,
“that would be great.”
Saglit akong lumingon kay Raven--isang tinging walang emosyon, pero may babala.
“At least,” dagdag ko, dahan-dahan ang bawat salita,
“mawawalan na siya ng oras sa alaga niyang ahas.”
Tumahimik ang paligid.
At sa unang pagkakataon mula kanina,
bahagyang nawala ang ngisi sa labi ni Raven.
Pero hindi siya umiwas ng tingin.
Sa halip--
lalo lang siyang ngumiti.
Bahagya ko siyang inirapan bago ibinalik ang tingin ko sa doktor.
“Kung wala naman pong delikadong problema,” mahinahon kong sabi, pero may awtoridad ang tono,
“puwede po ba kayong magbigay ng written confirmation na he’s perfectly fine?”
Bahagya akong ngumiti, sapat lang para maging kapani-paniwala.
“Para may maipakita lang ako sa… asawa ko,” dagdag ko.
“You know, he’s a busy CEO, but he still cares about our son.”
Sandali akong tumigil bago itinuloy ang huling linya, mas maingat ang bawat salita.
“I just want to show him this--so he can feel at ease.”
Tumango ang doktor, halatang kumbinsido.
“Of course, Mrs. Vergara. I’ll have the nurse prepare the medical report.”
“Thank you,” sagot ko agad.
At sa gilid ng paningin ko, ramdam ko pa rin ang titig ni Raven--
hindi na nanunukso…
kundi parang mas lalong nagiging interesado.
.
.
RAVEN'S POV
Sinasadya ba talaga ng babaeng ’to na ipamukha sa’kin na babae siya ni Dad?
Tch.
Nakakatuwa.
Interesting.
Hindi siya natitinag.
Hindi siya umiwas.
At higit sa lahat--hindi siya natatakot ipakita kung sino ang pinili niya.
Kahit alam niyang bawat salitang binibitawan niya ay parang kutsilyong sinasadya niyang itarak sa’kin.
Ngumisi ako.
Sige lang, Calista.
Ipakita mo pa kung gaano ka katapang.
Ipakita mo kung gaano ka ka-“untouchable.”
Dahil mas ginugusto ko ang mga babaeng akala nila kontrolado nila ang laro--
hanggang sa marealize nilang
matagal na pala akong nasa loob ng isip nila.
Naglalakad na kami papunta sa nurse station para kunin ang medical report.
Tahimik lang siya. Diretso ang lakad. Walang emosyon sa mukha.
Pero bago pa kami tuluyang makalapit, naabutan namin ang tatlong nurse na nagkukumpulan sa gilid ng counter--mahina ang boses, pero malinaw pa rin ang laman ng usapan.
“Maniniwala ka bang mag-nanay ang dalawang ’yon?”
“Tsk. Sino’ng maniniwala? Ano ’yon, bampira? Hindi tumatanda?”
Napahinto si Calista.
Kitang-kita ko ang pag-igting ng balikat niya--isang iglap lang--bago niya tuluyang ibinaba ang bag niya sa gilid.
Akala ko lalampasan niya.
Pero nagkamali ako.
Walang pag-aalinlangan, naglakad siya palapit sa mga nurse--taas-noo, tuwid ang tindig, bawat hakbang ay puno ng awtoridad.
Tumigil siya sa harap nila.
“At ako ba,” malamig niyang tanong, malinaw at diretso ang boses,
“ang pinag-uusapan n’yo?”
Nanigas ang tatlo.
Biglang naglaho ang mga ngisi, napalitan ng kaba at pagkailang.
At doon ako bahagyang ngumiti.
Hindi dahil sa gulo--
kundi dahil sa paraan niya ng paghawak sa sitwasyon.
Hindi siya sumigaw.
Hindi siya nag-eskandalo.
Pero sa isang tanong lang,
napaluhod niya ang tatlong taong akala nila ligtas silang manghusga.
Mas lalo lang akong nagkaka-interesado sa babaeng ito.
Nagkatinginan ang tatlong nurse. Isa sa kanila ang bahagyang napa-atras.
“Ma--ma’am, pasensya na po,” unang nagsalita ang isa, pilit inaayos ang tono. “Hindi po namin intensyon--”
“Hindi intensyon?” putol ni Calista, kalmado pa rin ang boses pero mas lalong nakakakilabot. “So ano ’yon, libangan lang?”
Walang makasagot.
Lumapit pa siya nang isang hakbang. Hindi agresibo--mas delikado pa roon. Parang isang taong sanay na sanay mangwasak nang hindi nagtataas ng boses.
“Kung may tanong kayo,” dagdag niya, diretso ang tingin sa bawat isa, “pwede n’yo akong kausapin nang harapan. Hindi ’yong nagbubulungan kayo na parang mga batang walang modo.”
Namula ang isa sa mga nurse. Yumuko ang isa pa.
“Pasensya na po talaga, ma’am,” mahinang sabi ng pangatlo. “Hindi na po mauulit.”
Saglit silang tinitigan ni Calista--mahaba, sinusukat kung totoo ang pagsisisi o takot lang ang naroon.
“Sana,” malamig niyang sagot. “Dahil ospital ito. Hindi palengke.”
Tumalikod siya nang walang dagdag na salita at naglakad pabalik sa counter na para bang walang nangyari.
Tahimik na sumunod ang tatlong nurse sa kani-kanilang pwesto.
Matapos makuha ang lahat ng kinakailangan, agad na tumalikod si Calista at naglakad palabas ng ospital--mabilis ang hakbang, tuwid ang tindig.
Sinundan ko lamang siya, tahimik, hinahayaan siyang manguna.
Napahinto siya nang biglang mag-ring ang cellphone niya.
-End of Chapter 19-
>>>to be continue